BALASAHAN SA PNP NAKAAMBA

INAASAHAN na ang malawakang balasahan sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) bunsod ng nakatakdang pagreretiro ng ilang top key officials ng kapulisan.

Partikular na inaantabayanan ang magaganap na changing of guard sa PNP dahil sa pagreretiro sa serbisyo ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa darating na May 8, 2021.

Bago ang inaasahang galawan sa top key position ng pambansang pulisya ay nakatakdang magretiro ngayong buwan sina PNP Deputy Chief for Operations at kasalukuyang Commander ng JTF Covid Shield, Lt Gen. Cesar Hawthorne Binag sa April 24.

Si PNP Spokesperson BGen. Ildebrandi Usana ay magreretiro rin sa darating na April 20.

Bago ito, nagsagawa na ng malawakang balasahan nitong April 5, 2021 at apekatdo rito ang may 23 opisyal ng PNP organization kabilang ang 13 heneral at siyam na police colonel.

Unang naapektuhan ng reshuffle si P/MGen. Emmanuel Licup na na-relieve sa pwesto bilang Directorate for Comptrollership at pinalitan siya ni PBGEN Rodolfo Azurin, Jr. mula sa Directorate for Information, Communication and Techonology Management (DICTM). Si Gen. Licup ay nakatakdang magretiro sa darating na April 9.

Ni-relieve din sa pwesto si BGen R’win Pagkalinawan bilang Regional Director ng PRO Cordillera at hinalinhan siya ni P/BGen. Ronald Lee mula sa PDEG.

Itinalaga naman bilang bagong Director ng PDEG si PBGen. Remus Medina.

Inalis din sa pwesto bilang PRO-BAR regional police director si BGen. Samuel Rodriguez at pinalitan siya ni P/BGen. Eden Ugale.

Apektado rin ng balasahan ang ilang deputy chiefs sa iba’t ibang National Administration at Operations Unit ng PNP at mga Police Regional Office gaya ni P/Col. Salvador T. Alacyang na hepe ng PNP-Anti Kidnapping Group-VFU na inilipat sa PNP-Police Regional Office 8. (JESSE KABEL)

168

Related posts

Leave a Comment