ARESTADO sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, ang apat na drug suspect at nakumpiska ang P340,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, noong Abril 5 sa Quezon City.
Kinilala ni QCPD P/BGen. Danilo Macerin ang mga suspek na sina Sherwin Soria, 41, residente ng #68 North Diversion Road, Brgy. 151, Bagong Barrio, Caloocan City; Jennifer Regis, 39, residente ng #68 North Diversion Road, Brgy. 151, Bagong Barrio, Caloocan City; Isabel De Guzman, 29, residente ng #216-B Pajo St., Project 2, Quezon City, at Eugene Del Rosario, 38, residente ng #46 Bernard Alley, Brgy. 151 Caloocan City.
Ayon sa report, dakong alas-5:00 ng hapon ng nasabing petsa, ang SDEU ng PS-4 ay naglatag ng buy-bust operation ayon sa ibinigay na tip ng isang confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug peddling activities ng mga suspek, sa #68 North Diversion Road, Brgy. 151, Bagong Barrio, Caloocan City.
Isang police poseur buyer ang bumili ng 25 gramo ng shabu mula sa mga suspek na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga ito.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang sa 50 gramo ng umano’y shabu na P340,000 ang street value at P40,000 buy-bust money.
Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)
240 