FRONTLINERS KINILALA SA ARAW NG KAGITINGAN

KINILALA at binigyang-pugay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga frontliner sa paggunita ng Araw ng Kagitingan nitong Biyernes.

Sa mensahe ng pangulo, sinabi nito na ang ginagawa ngayon ng mga frontliner ay repleksiyon ng kabayanihang ipinamalas ng mga mandirigma noon sa Bataan.

Aniya pa, marapat lang na kilalanin ang lakas ng loob at dedikasyon ng mga frontliner na walang pagod na humaharap sa mga hamon at peligro ng pandemya.

“As we continue to overcome the COVID-19 pandemic, we take a moment to honor the fortitude displayed by our selfless and dedicated frontliners whose unrelenting commitment in this fight reflects the heroism of the warriors of Bataan that continues to inspire in us a greater sense of patriotism and solidarity during these trying times,” ayon sa pangulo.

Kasabay nito, kinilala rin ng Commander in Chief ang sakripisyo ng mga sundalo na nakipaglaban para sa kalayaan ng bayan.

“Today, we honor our fallen soldiers whose sacrifice became the bedrock of our resolve to uphold our most cherished liberties. May this awareness resonate among us as we strive to become worthy heirs to the nation that they fought and bled for,” ani Pangulong Duterte.

Ang araw na ito, ayon sa pangulo ay isang paalala tungkol sa determinasyon ng mga Pinoy na kahit anong pagdaanang pagsubok ay tiyak ding malalampasan.

“A meaningful and solemn remembrance to all,” ang pagbati pa ng pangulo.

 

SENADO

Samantala, binigyang-pugay rin ng mga senador ang mga frontliner.

Wala nang iba pang maituturing na mga bagong bayani ng bansa kundi ang mga healthcare worker at iba pang frontliners na humaharap sa COVID-19 virus.

Ito ang sinabi nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Senador Christopher Bong Go sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.

Itinataya anila ng mga doktor, nurses at iba pang frontliners ang buhay ng mga ito para masagip at makaligtas ang publiko sa kapahamakan dulot ng virus.

“Fighting the coronavirus within our territory, a new breed of Filipino heroes has emerged. We call them frontliners. They are the heroes in white gowns caring for patients in hospitals, the heroes equipped with syringes as they administer the much needed COVID-19 vaccines to our health workers, other frontliners and residents of different LGUs, the heroes in blue or green uniforms and rattan sticks ensuring safety and order in the streets, the heroes in motorcycles delivering food and other essential items to families, and many other Filipino good Samaritans who are spreading good deeds in this time of the pandemic,” paliwanag pa ni Dela Rosa.

Sinabi naman ni Go na nitong panahon ng pandemya ay iba ang kalaban at nag-iba rin ang mga mukha ng mga bayani.

“Kilalanin din natin ang kagitingan ng mga barangay workers, community volunteers, market vendors, drivers, mga magsasaka at mangingisda, mga ordinaryong manggagawa at iba pang mga Pilipino na nakikipaglaban rin para sa kalayaan—kalayaan mula sa sakit, kalayaan mula sa krimen, at kalayaan mula sa gutom at kahirapan,” dagdag pa ni Go.

 

SALUDO

Binigyang pagkilala at pagpupugay rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairman ng National Task Force Against COVID-19 ang lahat ng health workers at frontliners kahapon.

“Ngayong Araw ng Kagitingan, tayo ay nagpapasalamat sa ating mga frontliners na patuloy na naglilingkod upang mapangalagaan ang ating kalusugan, sa ating mga sundalo at iba pang mga kawani na nagtataguyod ng ating kaligtasan at kapakanan, at sa ating mga kababayang patuloy na tumutulong sa kanilang kapwa sa gitna ng mga hamon sa ating bansa. Saludo kami sa inyo,” ani DND Secretary Lorenzana.

“Sa kabila ng ating mga kinakaharap na pagsubok bilang isang bansa, walang pasubali ang kagitingan na ating nasasaksihan mula sa ating mga kababayan na katuwang natin sa paglaban sa kasakuluyang pandemya,” ayon pa sa kalihim.

Sinaluduhan din ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang mga Health frontliner.

Nanalangin ang AFP chief na makakuha ng inspirasyon at lakas ang buong bansa para labanan ang pandemya sa mga beterano na nagtanggol sa bansa.

“Let us celebrate our Day of Valor by honouring our unsung heroes who have exemplified utmost bravery in their respective fields of endeavour by serving in the frontlines, as the nation continuously battles COVID-19,” pagpupugay naman ni Manila Mayor Isko Moreno sa frontliners.

Partikular na pinapurihan ni Moreno ang vaccinating teams ng lungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna na siyang nangangasiwa ng health cluster ng lungsod na sinabi niya ring nagtatrabaho ng full time kahit weekends at maging noong Holy Week kung saan ang lungsod ay nakapagbakuna ng napakaraming indibidwal.

Samantala, nagpasalamat naman si MGen Ernesto C Torres Jr., commander 10th Infantry Division sa frontliners na nangangalaga ng kalusugan ng mga sundalo at iba pang kawani na nagtataguyod ng kaligtasan, at mga kababayang tumutulong sa kanilang kapwa.

“Ang buong pwersa ng 10th Infantry “Agila” Division ay kaisa ng ating mamamayan sa paggunita ng Araw ng Kagitingan. Ang sinimulan ng ating mga bayani, beterano at magigiting na kababayang nakipaglaban para sa tunay na kapayapaan at kaunlaran ay patuloy nating nasasaksihan sa kasalukuyan,” ani MGen Jun Torres . (CHRISTIAN DALE/NOEL ABUEL/JESSE KABEL)

211

Related posts

Leave a Comment