CURFEW VIOLATOR, PATAY SA BUGBOG

LAGUNA – Namatay ang isang lalaking inaresto dahil sa paglabag sa curfrew makaraang bugbugin umano ng mga miyembro ng Barangay Quick Response Team ng Brgy. Turbina, Calamba City.

Ayon sa ulat na nakarating kay Calabarzon Regional Director P/BGen. Felipe Natividad, kinilala ang biktimang si Ernanie Lumban Jimenez na nahuli noong Abril 7, alas-11:00 ng gabi dahil sa paglabag sa curfew.

Sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Glendien, hinimatay ang biktima makaraang bugbugin ng mga miyembro ng BQRT na sina Arjay Bahan Abierta at Joel Oriel Ortiz, bilang parusa.

Agad dinala sa Calamba Medical Center Hospital ang biktima ngunit nalagutan ng hininga bandang 11:40 ng umaga noong Biyernes, Abril 9.

Isinailalim sa awtopisya ang bangkay ng biktima habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek. (CYRILL QUILO)

169

Related posts

Leave a Comment