COVID-19 MULING SUMIPA SA LAGUNA

UMABOT na sa full capacity ang mga pagamutan sa Laguna dahil sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19, ayon kay Gov. Ramil Hernandez ng nasabing lalawigan.

Sinabi nito, “Nakakalungkot po ang sitwasyon. Nung makalawa bahagyang bumagal ang pagtaas ng COVID cases. Kahapon po biglang tumaas na naman. Hindi pa po stable ang situation sa kasulukuyan,” ani ni Hernandez.

Nakapagtala noong Sabado ng 526 bagong kaso ng COVID-19 kung saan may 6,766 aktibong kaso, 27,046 ang mga nakarekober at 379 ang mga namatay na may kabuuang bilang na 34,191 sa buong lalawigan.

Nangunguna naman ang lungsod ng Calamba na may pinakamataas na kaso sa buong probinsya, na umabot sa 613 active cases.

Kaugnay nito, sinabi ni Calamba Mayor Justin Marc Chipeco, inaaayos na ng DSWD ang pagbibigay ng financial assistance.

“We are trying to fix the listings and hopefully by this week or next week ay makapag-start na tayo ng ayuda. Cash po ang ibibigay natin hindi goods.”

Inaasahang matapos nitong Abril 11 ang pinakamahigpit na quarantine status ng lalawigan kung saan nasa ilalim pa ng Enhanced Community Quarantine.

Kabilang ang lalawigan ng Laguna sa NCR Plus Bubble kasama ang ilang lugar tulad ng Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal, dahil sa mataas na kaso ng corona virus. (CYRILL QUILO)

123

Related posts

Leave a Comment