KUNG mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pag-iibigan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, aba mas mainit pa dito ang bawal na relasyon ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration at ng kanyang dating magandang sekretarya.
Itatago na lamang natin ang mataas na BI official na ito sa pangalang Mr. Clean na matagal na palang may pagnanasa kay Alias Mau na kahawig naman ng isang dating sexy actress na member ng Viva Hot Babes.
Ang pag-ibig nga naman ay hindi mo masusukat kahit ano pang pagdaanan ng bawat isa lalo’t balitang-balita sa mga tsismosong empleyado ng BI na marami raw pinagdaanang LRT stations itong si babae at mayroon na ring anak ngunit taglay pa rin nito ang nakakasilaw na ganda.
Huling nakita umanong sweet na magkasama ang dalawa noong 2019 sa team building ng kanilang tanggapan sa isang resort sa La Union kung saan ay sabay pa ang mga ito na dumating at agad ding umalis sakay ng mamahaling sasakyan ni alias Mau na Toyota Alphard at ang service vehicle ni Mr. Clean. Hmm.. Saan kaya nagliwaliw ang dalawa at iniwan nila ang kanilang kasamahan sa resort?
Ayon sa mga narinig nating chika sa loob ng BI, nabuking na daw ng kumander ni Mr. Clean ang bawal na relasyon ng dalawa kung kaya’t sa takot nito ay kanyang pinatalsik muna sa kanyang opisina si babae at ipinasa muna sa intelligence division? Wow!
Galit na galit namang sinermunan at sinibak ni Mr. Clean ang dalawa nitong mga tauhan sa akalang sila ang nagsumbong sa kanyang kumander?
Aba Sir, akala ko ba galit ka sa mga kasamahan mo sa BI na nagkakaroon ng relasyon sa kanilang mga tauhan?Remember Sir nung ikaw ay pansamantalang inalis sa iyong puwesto ay daig mo pa ang tumbong ng manok na putak ng putak at pinabanatan mo sakin ang relasyon ng dalawa mong tauhan yun pala eh gawain mo din? May Gad Sir!!
Gagawa-gawa ka ng milagro pero takot ka rin pala sa sarili mong multo at kung sinu-sino mga pinaghihinalaan mo na binuking ka sa kumander mo yun pala ay ander de saya ka rin.
Pero kahit naman noong hindi pa nalaman ng misis mo Sir ay obvious naman ang ginagawa n’yo ng iyong secretary sa loob ng iyong tanggapan dahil madalas daw kayong nasa close door meeting. Ano kaya pinag uusapan nila sa loob?
Si Mr. Clean ay matagal na rin empleyado ng BI mula pa noong manungkulan ang kanyang dating boss na naging Commissioner ng ahensya.
Para po sa inyong Reaksyon at Sumbong sa mga katiwaliang nangyayari sa ating mga ahensya ng gobyerno maari ninyo akong itext sa 09158888410.
183 