Field testing enforcement activities sa mga produktong petrolyo ISASAGAWA NG BOC AT BIR Ni JOEL O. AMONGO

MULING sisimulan ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pinagsamang Field Testing Enforcement Activities para sa mga produktong petrolyo na nasa mga warehouses, storage tanks, gas stations at iba pang retail outlets.

Ito ay nakatakdang magsimula sa Abril 26, araw ng Lunes nang taong kasaluku­yan, upang masiguro ang pagsasakatuparan ng Fuel Marker level sa mga nabanggit na produkto.

Ang aktibidad na ito ay saklaw ng enforcement powers ng BOC at BIR pati na ang mga barko, tank trucks at iba pang fuel transporting vehicles.

Ito ay base na rin sa itinatadhana ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act upang maitakdang mabuti sa pamamagitan ng Official Fuel Marker ang dapat na bayarang duties and taxes sa mga inaangkat na produktong petrolyo.

Ang proseso ng Field Testing ay isasagawa gamit ang Mobile Laboratory Units na nilagyan ng analyzers na kayang makatuklas ng Official Fuel Marker’s presence sa anumang fuel sample.

Makikita agad ang resulta on-site at malalaman kung pasado ba o bagsak sa testing ang mga produkto.

Kapag bagsak ang resulta, magiging pakay ito ng tinatawag na Confirmatory Testing sa Fuel Testing Facility.

Pero para sa tinatawag na transparency, ang may-ari ng fuel o kanyang kinatawan ay pinapayagang maging testigo sa Field and Confirmatory Testing.

Matatandaang magkatuwang na sinimulan ng BOC at BIR ang Transitory Field Testing activities noong nakaraang Pebrero ngayong taon at muli itong ipagpapatuloy ngayong buwang ito ng Abril.

Sa pamamagitan ng Transitory Field Testing, ang sample fuels mula retail stations at tank trucks sa NCR at kalapit na mga lalawigan na na-testing para matukoy ang marker levels sa fuel supply ay maaari nang magamit sa domestic market.

Ang aktibidad na ito ay nakalinya sa Section 13 ng Department of Finance (DOF), Bureau of Customs (BOC), at Bureau of Internal Revenue (BIR) Joint Circular 001.2021, na kung saan ay nakalagay ang implementing guidelines para sa Field Testing sa ilalim ng Fuel Marking Program.

Layunin din ng Fuel Marking Program na makakalap ng buwis, para mapigilan ang fuel smuggling at leveling sa Philippine oil industry’s playing field.

Nauna rito, nang simulan ang implementasyon noong September 2019 hanggang December 2020, ang BOC at BIR ay nakapag-marka na ng kabuuang 17.55 billion liters ng fuel at nakakolekta ng Php 171.72 billion sa duties at taxes sa ilalim ng programa.

220

Related posts

Leave a Comment