3 nasita sa curfew, huli rin sa shabu 3 TULAK KALABOSO SA P238K NG SHABU

ARESTADO ang tatlong lalaki makaraang makumpiskahan ng P238,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation noong Huwebes ng hapon sa Brgy. Pembo, Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jim Gonzales, CJ Manansalay Manguere at Bienjamin Jeune Virtucio.

Sa ibinahaging impormasyon ni Southern Police District Director P/BGen. Eliseo DC Cruz, tinukoy na bago ikinasa ang drugs buy-bust operation ay nagsagawa muna ng ilang araw na surveillance operation ang SDEU at SIS operatives sa pangunguna ni P/Lt. Angelo O. Mendoza kasama ang Sub-Station 9 personnel.

Bandang alas-3:50 ng hapon noong Huwebes nang ilatag ang buy-bust operation sa Sampaguita Street, Brgy. Pembo, Makati City ng mga operatiba ng SDEU, SIS at Sub-station 9 ng Makati City Police Station na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang kotseng itim na Chevrolet na may plakang AAI 3167 at 36 gramo ng shabu na tinatayang P238,000 ang street value.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nadakip ang tatlo katao, kabilang ang dalawang ginang, makaraang makumpiskahan ng umano’y shabu nang sitahin dahil sa paglabag sa curfew sa Caloocan City.

Kinilala ni Bagong Barrio Police Sub-Station chief, P/Lt. Julius Villafuerte ang arestadong mga suspek na sina Mary Grace Cañete, 37, Ma. Lany Morales, 54, at Cecilio Mabongga, 58, pawang ng Bagong Barrio.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi nang magresponde ang mga tauhan ng Bagong Barrio Sub-Station, kasama ang 2nd MFC RMFB NCRPO hinggil sa natanggap na text message sa pamamagitan ng NCRPO Compliance Monitoring System na may Ref# R210409-1442 sa Progreso St., Brgy. 151, Bagong Barrio.

Pagdating sa lugar, napansin ng mga pulis ang mga suspek na gumagala na paglabag sa curfew kaya sinita ang mga ito.

Gayunman, tumakbo ang mga suspek na nagresulta sa habulan hanggang sa makorner ang tatlo at nakumpiskahan ng apat na sachet ng umano’y shabu na tinatayang P9,724 ang halaga. (FRANCIS SORIANO/DAVE MEDINA)

319

Related posts

Leave a Comment