TINATAYANG aabot sa 13 milyong doses ng COVID-19 vaccines na may iba’t ibang brand ang inaasahang darating sa second quarter ngayong taon.
Ibinahagi ni NTF COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang sunod-sunod na iskedyul ng pagdating ng bakuna laban sa COVID-19.
Sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi ni Galvez na mahigit 2 milyong doses ng bakuna ang darating ngayong Abril.
Parating din aniya ang may 20,000 na Gamaleya at Sputnik sa Abril 22.
Ito aniya ang tinatawag nilang mini rollout dahil magkaiba ang component nito at saka negative 18 aniya ito.
May panibago aniyang 500,000 doses ng CoronaVac ang inaasahang ide-deliver sa Abril 29 kasama ng 480,000 doses ng Sputnik V.
Sa katapusan naman aniya ng buwan, inaasahang darating ang 195,000 doses ng Pfizer-BioNTech’s COVID-19 vaccine.
Inaasahan din aniya na darating sa bansa sa buwan ng Mayo ang: 2 million doses of Sinovac’s CoronaVac, 1 to 2 million doses of Gamaleya’s Sputnik V, at 194,000 doses of Moderna. (CHRISTIAN DALE)
162 