P20K AYUDA SA ECC PENSIONERS APRUB NA

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagkakaloob ng P20,000 tulong pinansiyal sa Employees’ Compensation (EC) pensioners sa pribado at pampublikong sektor.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 39, ang one-time financial aid ay mako-cover ang mahigit kumulang na 31,000 pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

“The ECC is hereby authorized to grant a one-time financial assistance of P20,000 to EC pensioners for permanent disability, permanent total disability and survivorship, in the private and public sectors, subject to the availability of funds and pertinent laws, rules and regulations, ” ang nakasaad sa kautusan.

Nakasaad pa rin sa AO 39, inendorso ng ECC ang panukalang pagbibigay ng financial aid sa kabila ng “undue financial hardships” ng pensioners at inaasahang pinahaba pang epekto ng pandemiya sa kanilang buhay.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa ECC, SSS, at GSIS na maglaan at magpalabas ng pondo para i-cover ang financial aid. (CHRISTIAN DALE)

243

Related posts

Leave a Comment