PASTILLAS AT ISYU SA HUMAN ­SMUGGLING, PAKANA DAW NG MGA ­AMBISYOSONG IMMIGRATION OFFICERS?

BAGO pa man pumutok ang isyu patungkol sa Pastillas scheme at Human Smuggling ay mayroon nang isang grupo ng mga ­immigration officers at ilang tiwaling opisyal na naka destino sa main office ng Bureau of Immigration ang nagsabwatan umano upang mag alok ng impormasyon sa Senado kapalit na makuha ang puwesto bilang Chief ng Port Operations Division ng BI sa airport.

Ayon sa ating source, taong 2019 pa lamang ay sumugod na ang ilang mga MIB o Men in Black na naka todo uniporme pa ng BI at nagtungo sa Senado dala ang animo’y isang mainit na ulam na tinawag nilang Pastillas.

Matapos ang 2019 na hindi nila nasungkit na makuha ang puwestong POD ay pinasabog na sa Senado ang sinasabing Pastillas scheme kahit kaduda-duda ang mga pahayag ng whistle blower na tila pinili lamang ang mga pinangalanan.

Hanggang sa pinasabog ang naudlot nilang plano na nangyari sa i­lang Pinay na nagtungo sa bansang Syria na naging biktima naman ng human trafficking na dapat sana ay noon pa nila inilabas kasabay ng Pastillas at muling isinisi sa mga tauhan ng BI sa NAIA na agad ding dinepensahan ng ­ilang ­immigration officers na bakit sa kanila isinisisi ang nangyari sa mga Pinay samantalang makikita sa kanilang travel records na ­pinayagan silang makalipad at makaalis ng bansa ng TCEU dahil kumpleto naman ang kanilang requirements.

Iginiit ng mga immigration officers na maliwanag na nakasaad sa batas na may right to travel ang isang pasahero lalo’t kumpleto naman ang kanilang travel documents at maaaring makasuhan ang sinumang immigration officers na haharang sa mga ito na walang sapat na dahilan.

Dahil dito, nananawagan ang mga immigration officers na ­maging patas ang ginagawang imbestigasyon at huwag ng haluan pa ng pulitika. BI Commissioner Jaime Morente Sir! Hindi po masama ang ­maghugas ng kamay basta’t laban lang sa COVID-19 at ikaw Sir ang Ama ng BI na dapat ay pinagtanggol mo ang nangyayari sa iyong tahanan.

Maganda sana kung ang hangarin ng mga opisyal ng ­gobyerno ay masawata ang sindikato ng white slavery at human trafficking. Pero ang dapat na habulin dito ay ang mga recruiters at hindi ang mga immigration officers na ginawa lamang ang kanilang trabaho.

Ilan umano sa mga ­immigration officers na sumugod sa Senado ay may initial na CM alyas PAUL ULIKBA, ilang taga Immigration Regulations Division at isa pang may matagal nang ambisyon na masungkit ang POD na nagpasaklolo pa sa isang Congressman at mga Justices bilang padrino na si alias MACHO ­CHIQUITO ngunit hanggang sa kasalukuyan ay bigo ito at daig pa ang isang batang animo’y nasawi sa pag-ibig na hindi nakuha ang gusto.

Para po sa inyong Sumbong at Reaksyon ay maari ninyo akong itext sa 09158888410.

281

Related posts

Leave a Comment