PUYAT UMAASANG WALA NANG EXTENSION ANG MECQ

UMAASA si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na aalisin na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan nito sa pagtatapos ng nasabing kwarantina sa Abril 30.

Ani Puyat, malaki ang maitutulong sa bansa ng pagsulong ng turismo nang tuluy-tuloy dahil nakaaambag ito sa ekonomiya, sa kabuuan, at sa mga nagtatrabaho sa industriya ng turismo, sa partikular, kung tuluyan nang matatapos ang MECQ.

Nakakonteksto ang pagbubukas ng turismo sa NCR, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan (kolektibong tinawag na NCR Plus) sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang IATF ang nagdedesisyon sa galaw ng iba’t ibang sektor batay sa sigla at pagbagal ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Ani Puyat, ang NCR Plus na lamang sa buong bansa ang nananatiling mahigpit sa pagbyahe ng mga tao bunga ng paglobo ng mga kaso ng COVID-19. (NELSON S. BADILLA)

147

Related posts

Leave a Comment