IPINALALAGAY ng mga awtoridad na malalim ang iniisip ng isang 36-anyos na lalaki habang naglalakad kaya hindi napansin ang parating na tren at nasagasaan ito, nitong Biyernes ng madaling araw sa Tondo, Manila.
Kinilala ang biktimang si Walter Orbase, residente sa Tondo, Manila.
Base sa ulat ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-4:20 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa riles ng tren sa Hermosa St. sa Tondo.
Ayon sa imbestigasyon, tumawid na parang nakatulala ang biktima at wari ay malalim ang iniiisip kaya posibleng hindi napansin ang parating na tren na naging dahilan upang masagasaan ito na kanyang ikinamatay. (RENE CRISOSTOMO)
