MALAKI ang posibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.
Ayon kay treatment czar Undersecretary Leopoldo vega, wala namang dudang maganda ang nilalayon ng community pantry ngunit hindi nagiging makabuluhan kung nauuwi na ito sa mass gathering.
Malaki aniya ang posibilidad na makapag-ambag sa mga bago at aktibong kaso ng COVID-19 ang mga community pantry sa dami ng tao na lumalabas at pumipila lalo na kung hindi mahigpit na naipatutupad ang minimum health protocols at social distancing.
Dahil dito, ang panawagan ng opisyal sa mga organizer, mga lokal na pamahalaan at mga pumipila sa community pantry, seryosohin at kailangang nasusunod ang social distancing at minimum healh standards sa pila. (CHRISTIAN DALE)
208
