ISINAILALIM sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 48 na lugar sa Quezon City dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Ang partikular na mga lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.
Kabilang ang mga lugar na nasa SCLA ay ang bahagi ng MCP HOA, Pingkian 1, Brgy. Pasong Tamo; Bahagi ng Road 1, Brgy. Bagong Pag-asa; isang lugar sa Premium St., Valdescona Compound, Brgy. Sangandaan; isang lugar sa Rustia St., Brgy. Immaculate Conception; bahagi ng Del Mundo St., Brgy. Talipapa; bahagi ng Lukaria St., Brgy. Talipapa; isang lugar sa P. Burgos St., Brgy. Marilag; isang lugar sa Balingasa St., Brgy, Balingasa; bahagi ng Manunggal St., Brgy. Tatalon; bahagi ng Villareal St., Brgy. Gulod; isang lugar sa Umbel St., Brgy. Roxas; bahagi ng Old Paliguan Compound, Brgy. Bagbag; isang lugar sa Benton St., Fairville Homes, Brgy. Fairview; bahagi ng Gana Compound, Brgy. Unang Sigaw; bahagi ng K-6th St., Brgy. East Kamias.
Naka-lockdown din ang mga lugar ng Kasing-Kasing St., Brgy. East Kamias; bahagi ng Sorsogon St., Brgy. Nayong Kanluran; bahagi ng Isarog St., Brgy. Paang Bundok; bahagi ng Unang Hakbang St., Brgy. Sto. Nino; bahagi ng Sanciangco St., Brgy. Sto Nino; bahagi ng Aguho St., Brgy. Claro; isang lugar sa P. Dela St., Obras Compound, Brgy. San Bartolome; bahagi ng Oriole St., Area 2, Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan; bahagi ng Zambales St., Brgy. San Martin de Porres; isang compound sa Brgy. Balonbato; isang lugar sa Antique St., Brgy. Ramon Magsaysay; bahagi ng Balingasa St., Brgy. Balingasa; bahagi ng Yale St., Brgy. E. Rodriguez; Sitio Pugot, Brgy. Bagong Silangan; isang compound sa No. 60 Valencia St., Brgy. Valencia; isang lugar sa Diamond St., Brgy. Tandang Sora.
Nananatiling naka-lockdown din ang dalawang gusali sa Gate 3, Del Nacia Drive, Brgy. Talipapa; bahagi ng Sitio Urlina, Brgy. West Fairview; bahagi ng Malaya St., Brgy. N.S. Amoranto; bahagi ng Acacia St., Brgy. Mariana; bahagi ng Mahiyain St., Brgy. Teacher’s Village West; bahagi ng PZBG Compound, Brgy. Central; dalawang lugar sa Legaspi Pael St., Brgy. Culiat; bahagi ng JP Rizal St., Brgy. Masagana; Boracay, Sitio Pajo, Brgy. Baesa; bahagi ng Caroline St., Brgy. Baesa; isang lugar sa Nehemiah St., Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica; bahagi ng Fatima St., Brgy. San Vicente; Road 4, Brgy. Bagong Silangan; isang lugar sa Miami St., Brgy. Silangan; bahagi ng Ocampo St., Pook Amorsolo, Brgy. UP Campus, at isang lugar sa Calavite St., Brgy. San Isidro Labdrador.
Kaugnay nito, namamahagi ang lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya at sila ay isasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine o higit pa kung kinakailangan. (JOEL AMONGO)
191
