PEDICAB DRIVER ITINUMBA NG 2 PASAHERO

PATAY ang isang pedicab driver matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na kanyang naging pasahero sa loob ng isang sementeryo sa Malabon City noong Miyerkoles ng hapon.

Kaagad nalagutan ng hininga sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang kinilalang si Jesus Dela Cruz, 27, residente ng Brgy. Santolan.

Patuloy naman ang follow-up investigation ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon makaraan ang pamamaril.

Sa report ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal kay Malabon City police chief, Col. Joel Villanueva, dakong alas-3:50 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng Tugatog Public Cemetery sa Brgy. Tugatog.

Sakay ng biktima sa kanyang minamanehong pedicab ang mga suspek at pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lamang naglabas ng baril ang dalawa saka pinagbabaril sa ulo si Dela Cruz.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pagpatay. (FRANCIS SORIANO)

153

Related posts

Leave a Comment