WANTED SA MUNTINLUPA NASAKOTE SA ZAMBALES

NAGWAKAS din ang matagal na pagtatago sa batas ng isang suspek sa ilegal na droga noong Biyernes ng umaga sa lalawigan ng Zambales makaraang matunton ng mga operatiba ng Muntinlupa City Police.

Nadakip ng mga pulis dakong alas-8:00 ng umaga sa Brgy. Locloc, Palauig, Zambales ang suspek na si Bryan Dave, 25, tubong Muntinlupa City.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Presiding Judge Gener M. Gito ng Regional Trial Court Branch 206, Muntinlupa City, sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ang suspek ay inirekomendang maglagak ng P120,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (DAVE MEDINA)

145

Related posts

Leave a Comment