MULING umiskor ang mga tauhan ni P/Col. Randy Glenn G. Silvio, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region Field Unit (CIDG-NCRFU), makaraang madakip ang isang suspect sa attempted qualified theft sa Villamor, Brgy. 183, Pasay City.
Kinilala ni P/Col. Silvio ang arestado na si Michaelle Jones Velarde y Encomienda, 33, courier, residente sa Phase 24-13, 17th St., cor. 14th St., Villamor, Brgy. 183, Pasay City.
Si Velarde ay naaresto noong Abril 29, alas-6:30 ng gabi sa kanyang bahay, ng mga tauhan ng CIDG-NCRFU na sina P/Maj. Dave Anthony R. Capurcos, P/EMS Ernest D. Alangdeo Jr., P/SMS Jones D. Rico at P/SMS Arniel D. Baslan.
Ang suspek ay dinakip sa pamamagitan ng ikinasang ‘Oplan Pagtugis’ ng CIDG-NCRFU sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Cicero David Jurado Jr., presiding judge ng Manila RTC Branch 11 para sa kasong attempted qualified theft, na may petsang Pebrero 10, 2021.
Inirekomenda ng korte ang piyansang P36,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Inihayag ang kanyang constitutional rights sa arestadong suspek na kasulukuyang nakapiit na sa CIDG-NCR detention facility. (JOEL O. AMONGO)
203
