BATANGAS – Patay ang isang babaeng negosyante makaraang barilin sa ulo ng hindi kilalang lalaki sa kanyang tindahan noong Miyerkoles ng gabi sa Lipa City.
Kinilala ng Lipa City Police ang biktimang si Hydie Bathan y Umali, residente ng Purok 3, Brgy. San Carlos, Lipa City.
Ayon sa ulat, isang tawag ng concerned citizen ang natanggap ng pulisya bandang alas-7:10 ng gabi upang ipagbigay-alam ang nasabing insidente.
Nabatid sa imbestigasyon, habang abala sa pagtitinda ang negosyante, biglang lumapit ang suspek at binaril ito sa ulo.
Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi nabatid ng direksyon.
Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa krimen. (CYRILL QUILO)
156 