KAGAWAD ITINUMBA NG TANDEM

BATANGAS – Patay ang isang barangay kagawad matapos na barilin ng riding in tandem suspects sa bayan Lian, sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Buenaventura De Luna Caraig, kagawad ng Barangay Binuhusan.

Batay sa report ng Lian Police, bandang alas-8:30 ng umaga nang barilin ng magkaangkas sa motorsiklong mga suspek ang biktima sa nasabing barangay.

Agad ding tumakas ang hindi kilalang mga suspek matapos ang pamamaril.

Isinugod sa Apacible Memorial Hospital sa bayan ng Nasugbu ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Natagpuan sa crime scene at apat na basyo ng .45 kalibreng baril.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang posibleng motibo at kung sino ang mga suspek sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

211

Related posts

Leave a Comment