ESTUDYANTE KALABOSO SA P.5-M SHABU

MAHIGIT sa kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa isang 23-anyos na estudyante sa inilatag na buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Malate, Manila nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Datu Asraf Saban y Rajamuda alyas “Datu,” binata ng Blk. 27, Lot 40, MCC Village, New Lower Bicutan, Taguig City.

Base sa ulat ng MPD-Station 9, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa panulukan ng Mother Ignacia at Pres. Quirino avenues sa Malate, Manila na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nakumpiskahan ng 100 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P680,000 ang halaga. (RENE CRISOSTOMO)

188

Related posts

Leave a Comment