NASAGIP ng Navy vessel BRP Alfredo Peckson (PC372) ang dalawang mangingisdang senior citizen sa San Pedro Bay, sa pagitan ng mga lalawigan ng Samar at Leyte noong Martes, Mayo 4.
Ayon sa ulat, ang PC372, na ang kapitan ay si Lt. Commander John Paul Acio, PN, ay nagsasagawa ng Maritime Patrol sa Naval Forces Central area nang mamataan nila ang dalawang biktima habang palutang-lutang sa karagatan.
Ang mga nasagip ay ang magkapatid na sina Alberto Ellema, 78-anyos, at Guillermo Ellema, 74-anyos.
Ang magkapatid ay agad na nilapatan ng lunas, pinagpalit ng damit at binigyan ng mainit na pagkain.
Ayon sa mga biktima, dahil sa malalaking alon ay nasira ang kanilang bangka at tumaob.
Pagdating sa Tacloban Port ang mga mangingisda ay itinurn-over sa City Health Office ng Tacloban para sa medical attention.
Habang ang bangka ng mga biktima ay sinagip din ng crew ng
PC372 para ayusin upang muling magamit ng mga ito. (JOEL O. AMONGO)
131 