MAGDYOWANG RIDER PATAY SA TRUCK

BATANGAS – Patay ang mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo matapos na masalpok ng kasalubong na truck sa national highway sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Analyn Gervacio at Daryl Gervacio.

Batay sa report ng Rosario Police, patungong direksyon ng town proper ang mga biktima nang salpukin ang mga ito ng kasalubong na Isuzu truck na minamaneho ni Ferdinand Almadrones na patungo sa direksyon ng bayan ng Ibaan bandang alas-8:00 ng gabi.

Biglang umanong sinakop ng truck ang linya ng mga biktima kaya nagkasalpukan.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang motorsiklo at ang mga biktima na namatay noon din dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide. (NILOU DEL CARMEN)

255

Related posts

Leave a Comment