MURDER SUSPECT HULI NG MPD SA LIPA CITY

ISANG most wanted person na may halagang P125,000 patong sa ulo dahil sa kasong murder, ang nadakip sa Lipa City, Batangas ng mga tauhan ng Manila Police District.

Kinilala ni P/Lt. Col. Evangeline Cayaban, station commander ng MPD- Station 5, ang suspek na si Julian Arutan y Cabelties, 40-anyos, may asawa, timekeeper at residente sa #056 Area-B, Gate 12, Parola Compound, Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:20 ng hapon noong Mayo 4 nang maaresto si Arutan sa isang apartment sa Barangay Lodlod, Purok 6, Lipa City, Batangas.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Thelma Bunyi Medina, presiding judge ng Manila Regional Trial Court Branch 32 dahil sa kasong murder.

Sa pangunguna ni P/Lt. Col. Veronica Apresurado, hepe ng Intelligence Section, tinungo ng mga awtoridad ang pinagtataguan ni Arutan sa Lipa City at inaresto ito.

Ang suspek ay nakumpiskahan ng isang .45 kalibreng baril kaya bukod sa kasong murder ay nahaharap din ito sa kasong illegal possession of firearms. (RENE CRISOSTOMO)

266

Related posts

Leave a Comment