24 TULAK NALAMBAT SA CAVITE SA BUY-BUST

CAVITE – Umabot sa 24 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado ng Cavite Police sa ikinasang magdamagang buy-bust operations sa lalawigan.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-11:45 noong Huwebes ng gabi hanggang alas-2:30 nitong Biyernes ng madaling araw sa limang lungsod at apat na bayan.

Nanguna ang General Mariano Alvarez (GMA) sa pinakamaraming tulak na naaresto, 8; sumunod ang Bacoor City, 4; tig-tatlo ang General Trias City at Imus City habang dalawa sa Dasmarinas City at tig-isa ang Naic, Alfonso, Magallanes at Tagaytay City. (SIGFRED ADSUARA)

 

153

Related posts

Leave a Comment