PDUTERTE NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG EID’L FITR

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ngayong araw ng Eid’l Fitr, ang kapistahan na hudyat ng katapusan ng Ramadan, isang banal na buwan ng pag-aayuno.

“In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, I join our Muslim brothers and sisters in the solemn observance of Eid’l Fitr,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte.

Sa pagtatapos aniya ng isang banal na buwan ng pag-aayuno, hangad ng pangulo na ipagpatuloy ni Allah na panatilihin sa mga kapatid na Muslim ang kabutihang loob at pagkahabag sa iba.

Ang masayang okasyon na ito na pagdiriwang ng personal na pagsasakripisyo at pagkakaisa ay mas naiugnay at mahalaga sa ginagawang hakbang ng bansa para maigupo ang pandemiyang bitbit ng COVID-19.

“As you mark the end of a month-long journey of reflection, prayer and fasting, may Allah continue to instill in you the virtues of generosity and compassion for others. This joyous occasion celebrating personal sacrifice and unity is made more relevant as the country makes a significant step closer to beating the COVID-19 pandemic,” ayon sa Pangulo.

Mangyaring ang okasyong ito ani Pangulong Duterte ay magsilbing inspirasyon sa lahat na ipagpatuloy na itaguyod ang kapayapaan, pagkakaisa at mabuting-loob sa kapuwa Filipino.

“May this event also inspire us to continue promoting pecae, unity and goodwill among our fellow Filipinos,” ayon sa Chief Executive.

“Let us welcome a new hope that this Eid brings… for peace, healing and strength as we build a progressive and brighter future for our people,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“I wish you a blessed and joyous cleberation! Eid Mubarak!” pagbati pa ng pangulo. (CHRISTIAN DALE)

146

Related posts

Leave a Comment