ALIAS JC LITTLE COMMISSIONER NG BI?

DAPAT imbestigahan ng bagong talagang Chief ng Philippine National Police (PNP) at Action Man na si Director General ­Guillermo Eleazar ang isang aktibong opisyal ng PNP.

Sa kabila na wala na ito sa Bureau of Immigration ay siya pa rin ang maituturing na little Commissioner ng BI na diumano ay mas makapangyarihan pa sa ibang matataas na opisyales ng ahensya.

Si Alias JC ay itinalaga noon ni BI Commissioner Jaime Morente ilang taon na ang nakakaraan matapos sumabit ang mga dati niyang tauhan sa 50 Million Pesos na bribery scandal.

Ang tinutukoy ko ay sina dating Deputy Commissioner Al ­Argosino at Michael Robles na nakinabang umano sa dati ring opisyal ng PNP na si Wally Sombero matapos na pakawalan ang illegal na 1,300 Chinese workers sa isang resort sa Pampanga ng untouchable na si Jack Lam.

Nagsisilbing puppet na lamang umano ang kasalukuyang pumalit kay alias JC na si Mang Gorio ang Bisayang Kalbo dahil kontrolado pa rin umano siya ng isang higanteng nagpapagalaw rito partikular sa mga desisyon sa mga dokumento na dumadaan sa kanya bago ito pirmahan ng Commissioner?

Aba bakit kaya ayaw bitawan ni Alias JC ang BI dahil kaya sa walang binatbat ang barya baryang kita sa PNP kumpara sa kada araw na maaring kitain nito sa BI sa korapsyon?

Paging General Eleazar, Sir!! Ito na ipakita mo sa taumbayan ang pangil mo laban sa mga tiwaling opisyales ng PNP na posibleng nagpapayaman sa sarili gamit ang kanyang kapangyarihan.

May katotohanan din kaya ang balita sa BI na iniipit umano ng isang mataas na opisyal ang appointment ng bagong itinalagang bagong BI Commissioner?

Bakit kaya ayaw umalis sa pagkakaupo nitong mataas na opisyal na ito ano kayang meron?

Samantala, nakikiramay ang Bistador sa pamilya ng matagal ko ng kaibigan sa BI na Special Investigator na si Leland Lacanienta dahil sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Pero bakit naman Ms. Candy Tan bakit may tsismis sa ahensya na nagmamadali kang kunin at ukupahin agad ang naiwang opisina ni Lacanienta sa Legal Division at hindi mo man lang daw hinintay muna mag 40 days? Multuhin ka sanang hinayupak ka!

Para po sa inyong Sumbong at Reaksyon ay itext lamang ako sa 09158888410.

468

Related posts

Leave a Comment