12 PA PATAY SA COVID SA CALOOCAN, MALABON

UMABOT sa 12 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 noong Mayo 18 sa mga lungsod ng Caloocan at Malabon, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod.

Ayon sa ulat, siyam ang patay sa Caloocan City at 1,232 ang active cases. Pumalo na sa 29,786 ang total confirmed cases sa lungsod kung saan 27,700 na ang gumaling at 854 ang namatay.

Tatlo naman ang namatay sa Malabon City at pumanhik sa 433 ang COVID death toll ng lungsod.

Habang 28 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,858 na ang positive cases sa siyudad, 180 dito ang active cases.

Nakapagtala naman ng 32 pasyenteng nadagdag sa bilang ng mga gumaling at 12,182 na ang recovered patients ng Malabon.

Wala namang iniulat na namatay dahil sa pandemya sa Navotas City at 151 ang active cases sa lungsod makaraang 14 ang nagpositibo at 25 ang gumaling.

Pumanhik na sa 10,717 ang total confirmed cases sa lungsod. Sa bilang na ito ay 10,216 na ang gumaling at 350 ang sumakabilang-buhay.

Hindi pa naglalabas ng COVID-19 cases update ang lungsod ng Valenzuela habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

141

Related posts

Leave a Comment