CAVITE – Kapwa nalunod sa dagat ang dalawang kabataan habang nakaligtas ang isa nilang kaklase nang ipagdiwang ang kanilang graduation sa isang resort noong Sabado.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Christopher Anisco y Bunda at Glenn Lares y Camama.
Nabatid ng Tanza Municipal Police, nag-inuman ang mga estudyante bago magpasyang maligo sa dagat bandang alas-5:00 ng hapon nang biglang nag-high tide.
Dahil sa kalasingan, biglang nag-panic ang mga estudyante at hindi kinaya nina Anisco at Camama ang malakas na alon ng dagat nagresulta sa pagkalunod ng mga ito habang nakaligtas ang kasama nilang 17-anyos.
Isinugod ang mga biktima sa JNRAL Hospital sa Brgy. Sahud Ulan sa Tanza ngunit idineklarang dead on arrival. (SIGFRED ADSUARA)
199 