3 PARI NAMATAY SA COVID-19

COTABATO CITY – Tatlong pari ang pumanaw matapos na tamaan ng COVID-19 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawing pari na sina Fr. Loreto Sandoy, Fr. Rex Bacero at Fr. Eliseo ‘Jun’ Mercado, OMI. Si Fr. Sanoy ay nasawi noong Sabado ng gabi habang si Fr. Bacero ay sumakabilang buhay ala-1:00 ng madaling araw noong Sabado.

Sinabi ni Cathedral Parish Rector Fr. Ben Toreto, si Father Sanoy, 78, na parish vicar ng Our Lady of the Holy Rosary parish, ay nagreklamo ng hirap sa paghinga at pagkawala ng panlasa matapos na kapitan ng COVID-19 noong nakaraang linggo kaya dinala sa CRMC.

Si Father Bacero, 52, presidente ng Notre Dame of Salaman College sa Lebak, Sultan Kudarat, ay nakaranas din ng sintomas ng COVID-19.

Pinakahuling sumakabilang buhay si Fr. Mercado matapos na atakehin sa puso noong Linggo ng hapon habang nasa Cotabato Regional and Medical Center. Siya ay pumanaw sa edad na 72 at nakatakda sanang magdiwang ng kanyang 73rd birthday sa Sabado, Mayo 29.

Noong Mayo 8, si Fr. Mercado ay isinugod sa CRMC dahil nahirapang huminga at may sintomas ng COVID-19 infections. Nagpositibo siya sa COVID matapos i-swab pero hindi malinaw kung saan niya nakuha ang virus.
Noong Mayo Sabado, siya ay gumaling at negatibo na sa virus kaya’t inihahanda na ang kanyang paglabas ng pagamutan. Inilipat siya sa intensive care unit ng CRMC. Subalit, biglang nahirapang huminga alas 3:25 ng hapon at inatake sa puso.

Samantala, isang Board Member naman sa South Cotabato ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Kinilala ang namatay na si Board Member Wilson Paclibar, kasapi ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato. (BONG PAULO)

148

Related posts

Leave a Comment