COUNCIL MEETING NI CUSI UTOS NI DUTERTE

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Energy Secretary Alfonso Cusi bilang vice chairman ng ruling party PDP-Laban na mag-organisa, magpulong at pamunuan ang isang council meeting.

Si Pangulong Duterte ang nagsisilbing chairman ng partido.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na layon ng hakbang na konsultahin ang mga miyembro ng partido at magkaroon ng mabunga at produktibong pagpapalitan ng opinyon sa mga usapin na nakaaapekto sa PDP-Laban.

“This move, which is part of the democratic exercise, aims to consult party members and have fruitful and productive exchanges on issues affecting PDP-Laban,” ani Sec. Roque.

Kamakailan kasi ay sinabihan ni Senator Manny Pacquiao ang mga kapartido sa Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na huwag dumalo sa national assembly na inorganisa ni party vice-chairman at Sec. Cusi.

Ayon sa senador, labag ito sa Sections 4 and 5, Article XVI of the PDP-Laban’s Constitution at hindi pinahintulutan ng Authorized National Council officials.

Nagsimula ang alitan nina Pacquiao at Cusi matapos kumalat ang resolusyong hinihimok si Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise-presidente sa 2022. (CHRISTIAN DALE)

180

Related posts

Leave a Comment