PFIZER VAX MULA SA COVAX LAAN SA POOR POPULATION

HINDI maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population ang Pfizer vaccines na mula sa COVAX facility.

Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na malinaw ang direktibang ibinigay ng COVAX facility at ni Pang. Rodrigo Duterte ukol sa mga dapat mabigyan ng bakuna na mula sa Pfizer na nasa ilalim ng targeted population at iyong mga mabibigyan naman ng vaccine na ito na mula sa COVAX.

Aniya, ang Pfizer na hindi manggagaling sa COVAX facility ay talagang ilalaan para sa mga healthcare worker, senior citizens at may comorbidities na kabilang sa targeted population.

Subalit, ang mga manggagaling sa COVAX facility ay laan sa mga indigent population sa ilalim ng A5 Category group At hindi aniya ito maaring ibigay sa mga hindi naman maituturing na Indigenous People.

Sinabi nito na ang mga nasa A4 Category ay mabibigyan ng procured vaccines gaya ng Moderna, Sinovac, Gamaleya at kalaunan ay AstraZeneca na inangkat ng private sectors na nakatakda na rin aniyang dumating sa bansa.

Samantala, sigurado nang makukuha ng bansa ang inaasam na population protection sa sandaling matapos ang pagbabakuna sa mga nasa A1, A2 at A3 category.

Sa ngayon aniya ay naka 93 percent nang pagbabakuna sa hanay ng A1 group o ang mga health worker. (CHRISTIAN DALE)

176

Related posts

Leave a Comment