SOLO leader na si Yuka Saso ng Pilipinas sa ginaganap na 2021 U.S. Women’s Open sa The Olympic Club, San Francisco.
Ang nag-iisang Pinay sa US Open ay humataw ng 4-under sa day 2, 6 birdies at 2 bogeys para sa kabuuang 6-under par.
Dahil dito ay lamang na siya ng one stroke kay Korea’s Lee Jeongeun na 5-under.
Nasa likuran naman si Lee sina US’ Megha Ganne at Megan Zhang na kapwa 4-under.
Sa edad na 19, si Saso ang tanging teenager na nanguna sa US Open patungo sa round 3, simula noong 2008 nang manalo ang 19-anyos na si Inbee Park.
Para kay Saso, “stay patient and just be happy with the outcome,” ang susi sa solid round niya.
Nasa fifth place si 10-time LPGA tour winner Shanshan Feng ng China na 3-under oveall.
Habang siksikan sa sixth sina seven-time major winner Park, 11-time LPGA tour winner Lexi Thompson, at overnight co-leader Mel Reid na pawang may 2-under par.
194 


