CAFGU PATAY, 2 SUGATAN SA NPA AMBUSH

QUEZON – Patay ang isang miyembro ng CAFGU habang sugatan ang dalawa pang biktima kabilang ang isang sundalo, makaraang tambangan ng rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Buenavista sa lalawigang ito, noong Sabado ng tanghali.

Knilala ang namatay na si CAA Romar Mendoza Gono, 22, habang sugatan si CAA Bajamonde Listana Arne, 22, at ang sundalong si SSgt. Victor Bulao Bartocillo, tubong Capiz at miyembro ng 85th IB ng Army.

Batay sa report ng Quezon PNP, nagsagawa ng “Barangayanihan” ang mga tauhan ng Buenavista Municipal Police sa mga katutubong Aeta sa Barangay Del Rosario at sinamahan ng army bilang security force.

Ngunit habang pauwi na ang mga pulis at mga sundalo at nasa kurbadang bahagi ng barangay road sa Barangay Batabat, pinasabugan ng mga NPA ang nasa hulihang military truck sa pamamagitan ng improvised explosive device.

Sinundan ito ng pag-ulan ng mga bala mula sa matataas na kalibre ng baril.

Nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde.

Agad isinugod sa Magsaysay Hospital sa bayan ng Lopez ang tatlo ngunit idineklarang dead on arrival si Gono. (NILOU DEL CARMEN)

191

Related posts

Leave a Comment