BAGONG RAKET NI MACHO CHIQUITO

SANIB-puwersa ang ilang tauhan ng Immigration Regulation Division (IRD) ng Bureau of Immigration (BI) na ­pinangungunahan ng isang alyas “Macho Chiquito” at ng ilang immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa isang ‘bagong raket’.

Ang raket na ito ay ang ‘di paglalagay, o hindi pag-iencode, sa database ng BI ang mga pangalan ng Chinese ­nationals na umaalis ng bansa upang hindi sila mailagay sa listahan ng blacklisted.

Lahat ng foreign nationals na ipinatatapon ng BI palabas ng bansa na natapos na ang kanilang visa at nais nang lumayas, o mag-voluntary deportation, ay obligadong ilagay sa listahan ng blacklist ng BI upang hindi na sila makabalik sa bansa.

Ngunit, taliwas umano ito sa panibagong raket ng mga ­tiwaling opisyal ng ahensya.

Si Macho Chiquito umano ang isa sa mga may pakana nito, ­kasabwat ang iba pa.

Imbes na ilagay sa blacklist ang pinaalis na dayuhan, malaya itong makababalik sa Pilipinas, kapalit ng libu-libong salapi.

Isa pang raket ng ilang ­tiwaling tauhan ng BI ang pagtanggal sa mga pangalan ng mga dayuhang blacklisted na hindi na kailangang dumaan sa legal division ng BI upang ­iproseso ang lifting, kundi isang pindot lang sa computer ng taong may access dito ay magic na.

Walang kahirap-hirap na makapapasok na ang dayuhang natanggal sa blacklist, kapalit ang umaabot sa limangdaang piso hanggang isang milyong padulas.

Aba, eh hindi kaya paldo na naman ang bulsa nitong kaibigan kong si Macho Chiquito at ang kanyang mga kasabwat na tauhan ng IRD?

Alam kaya ng hepe nila ang pinaggagawa ng kanyang mga tauhan?

Mabuti na lamang pala hindi ipinagkatiwala ni Justice ­Secretary Menardo Guevara kay Macho Chiquito na hawakan ang Port Operations Division (POD) sa NAIA noon, kundi puro pagkakaperahan lang ang gagawin nito upang ­yumaman nang husto.

Matatandaang isa si Macho Chiquito sa mga nangarap na masungkit ang posisyong POD chief.

Nag-organisa pa umano ito ng pagkilos upang siraan ang BI, sa pamamagitan ng pagbebenta ng maling impormasyon sa Senado patungkol sa “Pastillas Scheme” na ikinasira ng mga pangalan ng ilang nasangkot sa nasabing lantarang korapsyon, ngunit ‘di nakuha ni ­Macho ­Chiquito ang posisyon.

Ang isa pang matinding kalokohan ni Chiquito ay minsang nakipagkita umano ito sa isang dating undersecretary ng Department of Justice (DOJ) sa isang hotel.

Aba, akala ko sa senior citizen lang mahilig itong si Macho ­Chiquito, pati pala sa kauri nito? Hmm…

oOo

Para sa inyong sumbong at reaksyon, itext lamang ako sa 09158888410.

165

Related posts

Leave a Comment