7,485 NEW COVID CASES NAITALA NG DOH

NAITALA ang 1,293,687 nationwide tally ng COVID-19 cases sa bansa.

Ito ay matapos na mag-ulat pa ang Department of Health (DoH) ng 7,485 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections noong Huwebes ng hapon.

Sa talaan ng DoH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso, pumalo rin ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa sa 56,921.

Kabilang dito ang 92.6% na mild cases, 3.2% na asymptomatic, 1.7% na severe, at 1.3% na nasa critical condition.

Samantala, inanunsyo rin ng DoH na nakapagtala pa sila ng panibagong 4,504 pasyente na gumaling sa sakit, kaya’t ang total COVID-19 recoveries sa bansa ay nasa 1,214,454 na ngayon.

Mayroon ding 122 na bagong namatay dahil sa virus, kaya’t ang death toll ng COVID-19 ay nasa 22,312 na.

Ayon pa sa DoH, mayroon silang 15 duplicate cases na inalis mula sa total case count.

May 65 kaso na dating tinukoy bilang recoveries ngunit kalaunan ay ni-reclassify bilang deaths sa isinagawang pinal na balidasyon ng DoH.

Base pa rin sa datos ng DoH, nasa 57% ng intensive care unit (ICU) beds sa bansa ang occupied habang 36% naman ng mechanical ventilators ang ginagamit pa.

Sa National Capital Region (NCR), 49% ng ICU beds ang ginagamit pa ng mga pasyente, gayundin ang 34% mechanical ventilators. (RENE CRISOSTOMO)

196

Related posts

Leave a Comment