HINDI NA PAGGAMIT NG FACE SHIELD TINABLA NG PALASYO

PARA sa Malakanyang, hindi maituturing na pabigat sa gastusin ng mga Pilipino ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng banat ng mga kritiko na wala nang basehan pa sa siyensya ang paggamit ng face shield bukod sa dagdag gastos lang ito.

Aniya, halos lahat naman ay mayroon nang face shield kaya’t wala na aniyang dahilan para gawin pang isyu kung dapat na bang alisin sa panuntunan ang pagsusuot nito.

Giit ni Sec. Roque, dapat panatilihin ang pagsusuot ng face shield bilang dagdag proteksyon.

Aniya, nagsalita na ang Philippine Medical Association at naibigay na nito ang opinyon kung bakit dapat ipagpatuloy ang pagsusuot ng face shield.

“On the contrary, no less than the Philippine Medical Association gave its opinion that mayroon pong utility at mayroon pong dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy iyong pagsusuot ng face shield,” ayon kay Sec. Roque.

“Dahil ngayon naman po ay halos lahat na tayo ay mayroong face shield ‘no so iyong economic reason I don’t think holds anymore,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

o0o

PAGTAKBO NI DUTERTE
SA 2022 MATITIYAK SA OKTUBRE

MAGKAKAALAMAN na kung tatakbo nga ba o hindi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa 2022 elections.

Masasagot na ang usapin ukol sa pagtakbo o hindi ni Pangulong Duterte sa sandaling magsimula na ang paghahain ng kandidatura sa Oktubre.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, maaaring magkaroon ng ispekulasyon ang sinoman pero ang kasagutan ay malalaman lang apat na buwan mula ngayon.

Pwede rin aniyang umabot pa ng Disyembre para magkaroon ng pinal na kasagutan tungkol sa kandidatura ng Pangulo sa pagka – Pangalawang Pangulo kung saka sakali man.

Ito ay dahil na din sa mayroon hanggang Disyembre ang para sa mga substitution.

“You know, he keeps his plans very close to his chest. My advice to everyone is you can speculate all you want but we will find out whether he will file a certificate of candidacy only in October,” ayon kay Sec.Roque.

“We’re not even sure that October is the cut off ‘no because there is a period for substitution sometime in December. So, we would finally know what his decision would be in December when the period for substitution lapsed,” dagdag na pahayag nito.

Ayon kay Sec. Roque na nagsabi nga ang Pangulo na ayaw niya sa pagtakbo pero wala naman daw itong sinabing hindi siya tatakbo.

138

Related posts

Leave a Comment