NEGOSYANTE ITINUMBA SA SUBDIBISYON

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang hinggil sa pagkamatay ng isang 53-anyos na negosyante na malapitang binaril ng hindi kilalang suspek habang naglalakad sa loob ng subdibisyon sa Trece Martires City, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Leo Extinado, namamahala ng isang Liquified Petroleum Gas (LPG) Refilling Station at residente ng Brgy. Osorio, Trece Martires City.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas makaraan ang pamamaril.

Ayon sa ulat ni Pat. Gideon Grijaldo ng Trece Martires City Police, dakong alas-7:15 ng umaga noong Biyernes nang mangyari ang insidente.

Habang naglalakad ang biktima sa loob ng Summer Field Subdivision nang biglang sumulpot ang suspek at binaril sa ulo ang negosyante na agad nitong ikinamatay.

Ayon kay P/Lt. Col. Jose Junar Alamo, hepe ng Trece Martires City Police, business rivalry ang isa sa tinitingnan nilang mga angulo sa krimen.

“Meron na rin kaming person of interest pero sa ngayon ayaw pa naming sabihin para hindi masira sa imbestigasyon. (SIGFRED ADSUARA)

251

Related posts

Leave a Comment