POE, WALANG BALAK SUMABAK SA PRESIDENTIAL ELECTIONS

IDINEKLARA ni Senador Grace Poe na wala siyang balak sumabak sa 2022 Presidential Elections.

Ito ay kasunod ng pagkakasama ng kanyang pangalan sa anim na nominado ng 1Sambayan para tumakbo bilang pangulo sa 2022 Elections.

“Nagpapasalamat tayo sa patuloy na pagtitiwala ng ating mga kababayan. Ngunit wala akong planong tumakbo sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon,” diin ni Poe.

“Sa abot ng aking makakaya bilang senador, nais kong pagtuunan ng atensyon ang pag-ahon ng ating mga kababayan mula sa pandemyang ito,” diin pa ng senador.

Bukod kay Poe, kasama rin sa nominado ng 1Sambayan sina Vice President Leni Robredo, dating Senador Antonio Trillanes IV, Deputy House Speaker Vilma Santos-Recto, CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva at Atty. Chel Diokno. (DANG SAMSON-GARCIA)

150

Related posts

Leave a Comment