TAGUIG KAKAPUSIN SA BAKUNA

MAUUBUSAN ng supply ng bakuna ang Taguig City kung pagbabasehan ang mga nais magpabakuna sa lungsod.

Sa dami ng nagpapabakuna at sa mabilis na aksyon ng lokal na pamahalaan sa pag-rollout ng bakuna, halos mauubos na at kukulangin ang suplay sa Taguig.

Nabatid na plano ng lungsod na talakayin sa national government ang supply ng mga bakuna upang mas maraming tao ang makinabang kagaya na lamang ng mga nasa priority na A1 o frontliners, A2 o seniors, A3- mga may comorbidity at panibagong bukas na A4 o mga essential worker.

Ang mataas na demand ay dulot na rin ng madali at mabilis na proseso sa pagrehistro at pagkuha ng appointment upang mabakunahan.

Dahil sa mababang numero ng mga tumatanggi, inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Taguig na makamit ang target na mabakunahan ang lahat ng residente sa darating na Disyembre, kaugnay ito sa programang “road to zero.”

Nitong nakaraang tatlong araw, nakapagtala ang lungsod ng 8,000, 10,000 at 11,00 na indibdiwal na nabakunahan sa mga vaccination hub na nakapwesto sa iba’t ibang barangay sa lungsod, kasama na rito ang vaccination bus na umiikot sa iba’t ibang lugar sa syudad upang mabigyan ng bakuna ang mas maraming mamamayan.

Halos zero ang dropout rate sa mga vaccination booking at schedule ng Taguig. Plano rin sa lungsod na itaas mula 6,800 katao na target kada araw at gawing 8,000 katao kada araw ang babakunahan.

Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ng bakuna ang lungsod sa 143,512 Taguigeños na kabilang sa kategoryang A1, A2, A3, at A4. (JESSE KABEL)

154

Related posts

Leave a Comment