ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District-Criminal Investigation Section at Warrant and Subpoena Section ang wanted person na isang 60-anyos na lolo sa United Nations Avenue, Ermita, Manila nitong Lunes ng umaga.
Ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act) ay kinilalang si Prospero de Dios y Obias, may asawa, residente sa 2nd St., Kamuning, Quezon City.
Base sa ulat ni P/Major Rommel Anicete, inaresto ang suspek dakong alas-10:30 ng umaga makaraang matunton ang kinaroroonan nito, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Phrincess Ma. Bajarias-Hermogeno ng Regional Trial Court Branch 48 ng Manila. (RENE CRISOSTOMO)
166 