Babae ginilitan, 2 lalaki tinadtad ng bala SALVAGE VICTIMS SA SEMENTERYO

LEYTE – Tatlong bangkay ang natagpuan malapit sa isang sementeryo kabilang ang isang babaeng ginilitan at dalawang lalaking tadtad ng tama ng bala sa Brgy. Padoga, sa bayan ng Calubian sa lalawigang ito, noong Martes.

Ayon sa ulat ng Leyte PNP, inaalam pa kung biktima ng summary execution ang tatlo na hindi pa nakikilala.

Nabatid sa isinumiteng ulat sa Police Regional Office 8, natagpuan ang mga bangkay ng ilang mga residente na siyang tumawag sa Calubian Municipal Police Station.

Sinabi ng mga awtoridad na ang dalawang bangkay na lalaki ay natagpuang nakagapos sa tabi ng isang motorsiklo.

May mga tama umano ng bala ang dalawang lalaki habang may mga saksak sa katawan at gilit sa leeg ang babae.

Patuloy pang iniimbsetigahan ng mga awtoridad ang insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima. (JESSE KABEL)

174

Related posts

Leave a Comment