10 LUGAR KASAMA SA TOP PRIORITY SA SUPLAY NG BAKUNA

ISINAMA na ng pamahalaan ang 10 lugar sa top priority nito para sa distribusyon ng bakuna laban sa COVID-19.

Limitado lang kasi sa “NCR Plus 8,” kabilang na ang Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal ang mga bakuna.

Tinatayang nasa 38 hanggang 42 porsiyento ng COVID-19 shots ng Pilipinas ang nakalaan sa mga ito.

“President Rodrigo Duterte “has ordered equitable distribution” of the vaccines,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Ibig sabihin, ang priority na po natin is Metro Manila Plus 8 Plus 10. Iyong Plus 10 areas are the areas na nakaka-experience po ngayon ng surges, so we hear you and they will be released, forthcoming po,” dagdag na pahayag nito.

Hindi naman binanggit ni Sec. Roque kung anu-anong mga lugar ang bahagi ng “Plus 10.”

Subalit sa text message ay sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang mga lugar na ito ay ang Region 6, Region 10, Region 9, Region 8, Region 11, CARAGA, Region 1 at 2, Region 3, Region 4, at Region 5.”

May 9 na lungsod at 12 lalawigan kabilang na ang nasa Visayas at Mindanao, ang nasa ilalim ng “second strictest lockdown level” hanggang katapusan ng Hunyo dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

191

Related posts

Leave a Comment