AFC Champions League Group Stage UNITED CITY FC TUMABLA

NAGKASYA sa tabla, 1-1, ang United City FC kontra Beijing FC sa AFC Champions League Group Stage nitong Sabado sa Tashkent, Uzbekistan.

Nabigo ang United City na ­samantalahin ang maagang abante matapos ang goal ni ­Stephan Schrock, 1-0, 28 minuto sa laro.

Nagawang makatabla ng Beijing nang makakuha ng free kick si Liang Shaowen pagdating ng 73rd minute.

Dahil dito, may tig-1 puntos na ang United City FC at Beijing FC at tabla sa unahang puwesto ng Group 1.

Ngunit may pagkakataong makuha ng Philippine Football League (PFL) champions ang liderato kung mananalo sila sa second game kontra Daegu FC Korea sa Hunyo 29.

Samantala, minalas ang isa pang Filipino team sa Champions League, ang Kaya FC-Iloilo na natalo sa Thailand’s BG Pathum United, 4-1.

228

Related posts

Leave a Comment