PEKENG EMPLEYADO NG BOC KALABOSO

BILANGGUAN ang kinabagsakan ng isang taong nagpakilalang tauhan ng Bureau of Customs (BOC) makaraang hulihin siya ng mga awtoridad noong Hunyo 23.

Natapos ang maliliga­yang araw ni Macario Samson, alyas “Intsik”, nang masakote ito ng pinagsanib na puwersa ng BOC – Intelligence Group-Customs Intelligence and Investigation Service (IG-CIIS), Port of Manila (POM) at ng Manila Police District (MPD).

Sa pagkakahuli kay Samson, matitigil na ang pambibiktima nito sa mga tao kung saan libu-libong halaga ang kanyang nakukulimbat gamit ang pagiging kawani umano nito ng BOC.

Nahaharap si Samson sa maraming kasong kriminal tulad ng estafa, falsification of public documents, usurpation of authority at iba pa na isinampa sa piskalya ng Maynila.

Ayon sa BOC, si Samson ay nadiskubreng nagsasabing siya ay empleyado ng BOC na ang gamit niyang pangalan ay “Emmanuel T. Dizon”.

Ang kanyang identification card bilang Dizon ay nagsasabing konektado siya sa International Container Terminal Inc. (ICTSI) na mayroong pangalang “Steven So Chan” bilang direktor.

Ayon sa BOC, ang suspek ay nakakuha ng P230,000.00 pera mula sa kanyang nabiktima sa online transaction ukol sa P300,000 halaga ng motorsiklo.

Matapos magbigay ang biktima ng P230,000 kay Samson, naglaho na ito at hindi na sumasagot sa mga tawag sa kanya ng biktima.

Nagsumbong ang biktima sa mga kinauukulan, dahilan upang matiklo ang suspek. (Joel O. Amongo)

330

Related posts

Leave a Comment