99 SEAFARERS, WALANG SABIT – BOC-DAVAO

TINIYAK ng Bureau of Customs – Davao (BOC – Davao) na ang 99 Sea­farers na dumating sa Davao City ay walang dalang mga gamit na ipinag­babawal ng batas.

Sumailalim sa x-ray scanning ang mga manggagawa nang dumating sila sa Davao International Airport noong Hunyo 16.

Nanggaling sila sa Indonesia.

Hindi rin nahirapan ang mga seafarer sa BOC – Davao dahil maayos at mabilis na iprinoseso ang kanilang pagdating sa bansa.

Katuwang ng BOC – Davao ang Customs Airport Operations Unit nito para sa mabilis na pag-aasikaso ng kanilang mga clearance.

Ang kabuuang operasyon ay pinangunahan ng pamahalaang lungsod ng Davao, sa pamamagitan ng City Tourism Operations Office, kung saan kaagapay ang BOC – Davao, Bureau of Quarantine (BOQ) XI, Bureau of Immigration (BOI) XI, Philippine National Police-Police Regional Office (PNP-PRO) XI, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

140

Related posts

Leave a Comment