LIVE-IN PARTNER, DRIVER UTAS SA SELOSONG MISTER

BATANGAS – Patay ang isang tricycle driver matapos saksakin ng isang lalaking nagselos sa Barangay Castillo sa bayan ng Padre Garcia sa lalawigang ito noong Martes ng gabi.

Napatay rin ng suspek sa saksak ang kanyang live-in partner na hinihinala nitong may lihim na relasyon sa lalaking biktima.

Kinilala ang mga napatay na sina Victorino Gonzales, residente ng Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon, at Carmen Coldas, 42, ang live-in partner ng suspek, residente ng Barangay Castillo, Padre Garcia.

Batay sa report ng Padre Garcia Police, bigla na lamang sinaksak ng suspek na si Freddie Villegas, 43, si Gonzales dakong alas-9:10 ng gabi habang ito ay nasa likod ng isang bahay.

Tinangkang awatin ng ginang ang kanyang mister subalit ito naman ang pinagbalingang saksakin ng suspek.

Kapwa isinugod ang mga biktima sa ospital ngunit parehong idineklarang dead on arrival ng doktor.

Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente. (NILOU DEL CARMEN)

198

Related posts

Leave a Comment