BATANGAS – Patay ang isang hepe ng mga barangay tanod makaraang tagain sa ulo ng hindi kilalang suspek sa kakahuyan sa Sto. Tomas City, Batangas noong Linggo.
Kinilala ang biktimang si Alfredo Buenafe, 70-anyos, residente ng Barangay Sta. Clara sa nabanggit na lungsod.
Batay sa report ng Sto. Tomas Police, bandang alas-6:00 ng gabi ng madiskubre ang bangkay ng biktima habang nakadapa sa kakahuyan sa nasabing barangay at may tama ng taga sa likurang bahagi ng ulo na halos ikabiyak nito.
Galing umano sa farm na pag-aari ng isang Myrna Maloles at pauwi na ang biktima nang harangin ng suspek at tinaga sa ulo.
Nadiskubre ng misis nito ang bangkay ng biktima nang sundan ito makaraang hindi makauwi galing sa farm.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo at kung sino ang suspek sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)
209
