Limang taon nang palpak humihirit pa ng extension DUTERTE ASTANG MESSIAH – SOLON

(BERNARD TAGUINOD)

UMAASTANG messiah o tagapagligtas si Pangulong Rodrigo Duterte dahil pinalalabas nito na siya lamang ang tanging makapag-aahon sa Pilipinas sa kahirapan.

Ito ang paglalarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite kay Duterte sa inihayag na bukas na ito sa posibilidad ng pagtakbo sa 2022 bilang pangalawang pangulo ng bansa.

“Malinaw na may messianic o messiah complex si Pangulong Duterte na siya lamang ang makakasalba sa matinding krisis na hinaharap ng ating bansa,” ani Gaite.

Ganito rin umano ang palabas ni Duterte noong tumatakbo pa lamang ito bilang pangulo noong 2016 subalit marami sa kanyang mga ipinangakong gagawin ay hindi natupad sa nakaraang 5 na taon nitong pamumuno sa bansa.

“Sa nakaraang 5 taon ay hindi niya inaahon ang ating bayan sa larangan ng ekonomiya at pulitika at ngayon ay ipipinilit pa rin ang kanyang sarili,” ayon pa sa mambabatas.

Konstitusyon pinaiikutan

Inakusahan din ni Gaite si Duterte na iniikutan nito ang Saligang Batas upang upang hindi mawala sa kapangyarihan at makaiwas sa pananagutan, hindi lamang sa mga Filipino kundi sa International Criminal Court (ICC).

“Tulad ng sinasabi ng mga law expert, ito (pagtakbo ni Duterte bilang VP) ay isang backdoor na paraan para ikutan at icurcumvent ang Saligang Batas,” ayon sa mambabatas.

Sinabi ng mambabatas na kapag nanalo si Duterte bilang pangalawang pangulo at may nangyari sa mahahalal na pangulo o kaya nag-resign ito ay siya pa rin ang pangulo ng bansa at magiging second term niya ito kapag nagkataon.

Itinuturing na paglabag aniya ito sa Saligang Batas kaya ngayon pa lamang ay dapat na umanong ibasura ang kandidatura ni Duterte.

131

Related posts

Leave a Comment