CAVITE – Arestado ang isang 33-anyos na merchandizer makaraang mapansin ang nakabukol sa kanyang shorts na natuklasang luncheon meat pala na tangkang ipuslit ng suspek mula sa isang supermarket sa bayan ng Amadeo sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.
Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na kinilalang si Randy Japonar, binata, merchandizer ng Save More Supermarket sa Brgy. Poblacion 5, Amadeo, at residente ng Naic, Cavite.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Alvin Balbuena ng Amadeo Police Station, dakong alas-10:42 ng umaga, palabas si Japonar para magmeryanda nang pigilan ito ng security guard makaraang mapansin ang kakaibang bukol sa harapan nito.
Nang kapkapan ay natuklasang may nakatagong isang luncheon meat sa loob ng boxer shorts nito dahilan upang arestuhin at dinala sa himpilan ng pulisya. (SIGFRED ADSUARA)
194
